“Queen of Visayan Movies” Gloria Sevilla pumanaw na
Pumanaw sa edad na 90 ang tinaguriang “Queen of Visayan Movie” na si Gloria Sevilla.
Nasawi ang aktres sa Oakland, California noong April 16, 2022.
Ang pagpanaw ni Sevilla ay kinumpirma ng event host at veteran broadcaster na si Sam Costanilla.
Marami na ring kasamahan sa industriya ang nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ng aktres.
Bumida si Sevilla sa maraming Visayan-made movies noong 1950s at 1960s kaya ibinigay sa kaniya ang titulong “Queen of Visayan Movies”. (DDC)