LPA na dating bagyong Agaton, nalusaw na; Typhoon Basyang lumabas na ng bansa

LPA na dating bagyong Agaton, nalusaw na; Typhoon Basyang lumabas na ng bansa

Wala nang bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa update ng PAGASA alas 10:00 ng umaga ngayong Miyerkules (Apr. 13) ang Low Pressure Area na dating Bagyong Agaton ay tuluyan nang nalusaw.

Samantala ang Typhoon na may international name na ‘Malakas’ at dating Typhoon Basyang ay huling namataan sa layong 1,545 kilometers east ng Central Luzon.

Saglit lamang itong pumasok sa bansa at agad ding lumabas ng PAR.

Gayunman, sinabi ng PAGASA na makararanas pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan sa Quezon, Bicol Region, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Visayas.

Nag-abiso din ang PAGASA ng malakas na alon sa mga baybaying dagat sa northern at eastern seaboards ng Luzon at sa eastern seaboards ng Visayas at Mindanao dahil sa epekto ng Typhoon Malakas.

Pinapayuhan ang maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang maglayag.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *