Mga Pinoy sa New York pinag-iingat kasunod ng insidente ng pamamaril sa subway

Mga Pinoy sa New York pinag-iingat kasunod ng insidente ng pamamaril sa subway

Pinag-iingat ng Philippine Consular Office sa New York ang mga Filipino doon kasunod ng ikinasang manhunt operations ng mga otoridad sa suspek sa pamamaril sa New york subway.

Sa abiso na inilabas ng Philippine Consulate General sa New York, pinapayuhan ang mga Pinoy na maging alerto at maingat.

Nakasaad sa abiso na City-wide ang isinasagawang manhunt para mahuli ang suspek sa shooting incident.

Sinabi ng konsulada na ang suspekay armado at nakalalaya pa rin kaya nagpapatuloy ang massive police mobilization.

Pinayuhan din ang mga Pinoy na agad iulat sa mga otoridad kung may makikitang abandonadong bagay sa mga subway, bus stops, at iba pang public places. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *