Cardinal Jose Advincula huhugasan ang paa ng 12 election frontliners sa Huwebes Santo

Cardinal Jose Advincula huhugasan ang paa ng 12 election frontliners sa Huwebes Santo

Sa idaraos na misa bukas, Huwebes Santo, labingdalawang election frontliners ang itatampok sa tradisyunal na “washing of the feet”.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), huhugsan ni Cardinal Jose Advincula ang paa ng labingdalawang katao na kumakatawan sa iba’t ibang sektor na may crucial role sa idaraos na eleksyon sa susunod na buwan.

Sa Christian tradition na ginagawa tuwing Holy Thursday Mass ginugunita ang ginawa ni Kristo na paghuhugas ng paa ng kaniyang mga apostoles.

Ayon sa CBCP news, kabilang sa huhugsan ng paa ni Cardinal Advincula ay ang tatlong first time voters, dalawang miyembro ng Electoral Board at tatlong opisyal ng Commission on Elections (Comelec).

Huhugasan din ang paa ng tatlong miyembro ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at isang miyembro ng media. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *