Deployment ng balota at iba pang election paraphernalia na gagamitin para sa Local Absentee Voting inumpisahan na ng Comelec
Inumpisahan ng Commission on Elections (Comelec) ang deployment ng mga balota at election paraphernalia na gagamitin para sa Local Absentee Voting.
Ang deployment para sa local absentee ballots at iba pang kagamitan ay simula ngayong araw, April 13 ayon sa abiso ng poll body.
Ang Local Absentee Voting ay para sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, at media entities at corporations.
Idaraos ang Local Absentee Voting sa April 27, 28 at 29, 2022.
Isinasagawa ang Local Absentee Voting para mapayagang makaboto ng mas maaga ang mga maninilbihan sa mismong araw ng eleksyon sa May 9. (DDC)