TINGNAN: Mga kagamitan sa MRT-3 sinimulan nang isailalim sa preventive maintenance
Inumpisahan na ang preventive maintenance sa mga fire pump, sump pump at water pump sa mga istasyon ng MRT-3 ngayong unang araw ng ng Holy Week Maintenance Shutdown ng linya.
Nagsagawa ng functional test at cleaning activity sa mga nasabing mga gamit upang masigurong gumagana at malinis ang mga nasabing panel.
Ang fire pump ang ginagamit upang makapagbigay ng hydraulic pressure para sa mga lugar na mayroong water sprinklers sa mga istasyon tulad ng station control room, ticket offices at police offices.
Ang water pump naman ay ginagamit upang makapagbigay ng water supply sa mga public comfort room sa mga istasyon.
Samantala, ang sump pump naman ay ginagamit upang hindi magbara ang mga septic tanks at drainage system sa may elevator pit.
Ang Holy Week Maintenance Shutdown ay ginagawa upang mapanatiling functional at maayos ang mga kagamitan na ginagamit ng rail line.
Ito ay tatagal hanggang Linggo, ika-17 ng Abril 2022. (DDC)