Paalala ng Comelec sa mga kandidato, bawal mangampanya ng Huwebes Santo at Biyernes Santo

Paalala ng Comelec sa mga kandidato, bawal mangampanya ng Huwebes Santo at Biyernes Santo

Nagpaalala ang Commission on Elections (comelec) sa mga kandidato na bawal ang pangangampanya sa Huwebes Santo at Biyernes Santo.

Sa ilalim ng Section 3 ng Comelec Resolution Number 10730, nakasaad na pawal ang election campaign at iba pang partisan political acitivity kapag HUwebes Santo, Biyernes Santo, eve ng election day at sa mismong araw ng eleksyon.

Sinumang mapatutunayang lalabag sa nasabing polisiya ay maaring mapatawan ng diskwalipikasyon.

Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na bilang Christian country mahalagang gamitin ang dalawang nabanggit na araw sa pagnilay-nilay.

Matapos ang Huwebes Santo at Biyernes Santo sinabi ni Garcia na maari na muling mangampanya. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *