Bagyong Agaton isa na lang LPA, Typhoon Basyang lumabas na ng bansa

Bagyong Agaton isa na lang LPA, Typhoon Basyang lumabas na ng bansa

Wala nang bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, ang bagyong Agaton ay tuluyan nang humina at naging Low Pressure Area na lamang.

Ang LPA na dating si Agaton ay huling namataan sa layong 65 kilometers Southeast ng Guiuan, Eastern Samar.

Dahil sa nasabing LPA, ang Eastern Visayas, Masbate, at Sorsogon ay makararanas pa rin ng maulap na papawirin na may kalat-kalat hanggang malawakang pag-ulan.

Kalat-kalat na pag-ulan din ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Visayas, Northern Mindanao, Caraga, nalalabing bahagi ng Bicol Region, Marinduque, Romblon, at Quezon.

Samantala ang Typhoon na may international name na ‘Malakas’ at dating Typhoon Basyang ay huling namataan sa layong 1,545 kilometers east ng Central Luzon.

Saglit lamang itong pumasok sa bansa at agad ding lumabas ng PAR. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *