Publiko pinag-iingat sa pekeng ‘One Health Pass’ application website

Publiko pinag-iingat sa pekeng ‘One Health Pass’ application website

Inabisuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na maging maingat sa pekeng ‘One Health Pass’ application website.

Ayon sa DOH, nire-require ng nasabing website ang mga aplikante na ibigay ang kanilang personal at credit card details at pinagbabayad ng USD 65.

Mayroon nang nabiktima ang nasabing pekeng website na mga biyahero mula United Kingdom pauwi ng Pilipinas.

Pinayuhan ng DOH ang mga umuuwi ng Pilipinas na kuhanin lamang ang kanilang One Health Pass sa https://bit.ly/OneHealthPass

Walang hinihinging halaga o anumang bayarin sa pagkuha ng Health Pass at lalong hindi kailangang ibigay ang bank details. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *