Typhoon ‘Malakas’ nakapasok na sa bansa; pinangalanang ‘Basyang’ ng PAGASA
Pumasok na sa bansa ang bagyong may international name na ‘Malakas’. Dahil nasa loob na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) tatawagin na itong ‘Basyang’.
Ayon sa PAGASA, ang Typhoon Basyang ay huling namataan sa layong 1,435 kilometers East ng Southern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometers bawat oras.
Kumikilos ito sa bilis na 20 kilometers per hour sa direksyong North northwestward.
Ayon sa PAGASA, wala pang direktang epekto sa bansa ang bagyo.
Magiging mabilis lang din ang pananatili nito sa bansa at agad ding lalabas ng PAR mamayang gabi. (DDC)