Halos 8,000 katao stranded sa mga pantalan sa bansa dahil sa Bagyong Agaton
Mayroon pang 7,811 mga pasahero, drivers at cargo helpers ang stranded ngayon sa mga pantalan sa bansa dahil sa epekto ng Bagyong Agaton.
Sa datos mula sa Philippine Coast Guard (PCG), 2,635 na mga rolling cargoes; 398 na babrko at 1 motorbanca ang hindi makapaglayag at stranded sa mga pantalan.
Mayroon ding 86 na barko at 22na motorbancas ang pansamantalang nagkanlong sa ligtas na lugar sa Bicol, Eastern Visayas, North Eastern Mindanao, Central Visayas, at Western Visayas at hindi muna tumuloy sa paglalayag.
Sa mga pantalan sa Bicol Region nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng mga stranded na indibidwal na umabot sa 4,387.
Sa Eastern Visayas ay mayroong 1,863 kataong stranded; 674 sas North Eastern Mindanao; 630 sa Central Visayas; at 257 sa Western Visayas. (DDC)