Visita Iglesia Online maari nang ma-access sa pamamagitan ng Mobile App
Maaari nang ma-access ng mga Katoliko sa pamamagitan ng FaithWatch Mobile App ang Visita Iglesia online.
Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) mas pinadali sa nasabing app na ma-access ang kanilang mga content para sa mga nais mamanata virtuallt ngayong Holy Week.
Mayroon ding “pray-along” audio ng Way of the Cross sa nasabing app.
Sa FaithWatch App maaari ding makapag-Visita Iglesia “virtual tour” sa labingapat na Cathedrals sa bansa.
Simula noong nakaraang taon nagbabahagi na ng livestreamed Masses sa nasabing app dahil sa COVID-19 pandemic.
Mayroon ding online retreats o recollections na puwedeng i-accsess ng mga Katoliko ngayong Holy Week.
Ang FaithWatch App, ay maaring ma-download sa Android at IOS devices.
Ang Visita Iglesia Online at FaithWatch ay proyekto ng CBCP Media Office katuwang ang Areopagus Communications, Inc. At Heart of Francis Foundation. (DDC)