Pagpapalabas ng resulta ng Bar Exams tuloy ngayong araw sa kabila ng naitalang sunog sa Korte Suprema
Nakapagtala ng sunog ngayong Martes (Apr. 12) ng umaga sa old building ng Korte Suprema sa Padre Faura sa Maynila.
Ayon kay Atty. Brian Keith Hosaka ng Supreme Court Public Information Office, pumutok ang UPS ng Data Center ng Supreme Court – Management Information Systems Office (MISO).
Mabilis namang nakaresponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at nakontrol agad ang sunog na umabot lang ng 1st alarm.
Sinabi ni na walang epekto ang nangyaring sunog sa pagpapalabas ng resulta ng Bar Exams.
Aniya tuloy ang paglalabas ng resulta ng Bar Exams ngayong araw.
Katunayan ay inihanda na ang malaking screen projector sa harap ng Supreme Court building para sa ilalabas na resulta.
Gaya ng dati magkakaroon muna ng En Banc session at pagpapasyahan ng mga mahistrado ang passing rate at saka pa lamang mailalabas ang resulta. (DDC)