Bagyong Agaton nasa bisinidad na ng Marabut, Samar; Signal No. 1 nakataas sa siyam na lugar sa bansa
Nasa bahagi na ng Marabut sa lalawigan ng Samar ang Tropical Depression Agaton.
Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA, taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 75 kilometers bawat oras.
Mabagal ang kilos ng bagyo sa direksyong pa-silangan.
Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:
– southern portion of Masbate (Dimasalang, Cawayan, Palanas, Placer, Cataingan, Esperanza, Pio V. Corpuz)
– Eastern Samar
– Samar
– Northern Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– northeastern portion of Cebu (Daanbantayan, Medellin, City of Bogo, Tabogon, Borbon, Sogod) including Camotes Island
– Dinagat Island
Ngayong araw makararanas ng katamtaman hanggag sa malakas at kung minsan ay matinding buhos ng ulan sa Eastern Visayas, Bicol Region, northern at central portions ng Cebu kabilang ang Bantayan at Camotes Islands, Aklan, Capiz, Iloilo, Antique, Guimaras, northern at central portions ng Negros Provinces.
Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa MIMAROPA, Dinagat Islands, Zamboanga del Norte, Quezon, at nalalabing bahagi ng Visayas. (DDC)