Mahigit 3,000 bumoto sa unang araw ng Overseas Voting sa Hong Kong

Mahigit 3,000 bumoto sa unang araw ng Overseas Voting sa Hong Kong

Dumagsa ang mga botante sa Philippine Consular Office sa Hong Kong para bumoto.

Dahil sa pagdami ng mga tao, kinailangang magpatupad ng cut off ang konsulada para matiyak na nasusunod pa rin ang health ang safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan ng Hong Kong.

Umabot sa 3,285 ang bilang ng mga nakaboto sa unang araw ng overseas voting.

Ayon kay Consul General Raly Tejada, marami ang lumabas para bumoto subalit patuloy ang kanilang payo sa mga Pinoy na iwasan ang pagkukumpulan.

Bago payagan ng pamahalaan ng Hong Kong na maidaos ang Overseas Voting, kabilang sa kondisyon ang istriktong pagsunod sa anti-pandemic measures.

Bunsod ito ng nararanasang fifth wave ng pandemya.

Ani tejada mayroon pang hanggang May 9, 2022 ang mga Pinoy sa Hong Kong para makaboto.

Tuluy-tuloy ang isasagawang overseas voting at bukas ang konsulada kahit sa panahon ng public holidays.

Umapela si Tejada sa lahat ng employers na payagan ang kanilang mga Filipino employees na makaboto kahit weekdays kung kailan mas kaunti ang bilang ng mga bumoboto. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *