Cebu City isinailalim sa State of Calamity dahil sa pinsala ng Bagyong Agaton

Cebu City isinailalim sa State of Calamity dahil sa pinsala ng Bagyong Agaton

Nagdeklara ng State of Calamity sa Cebu City si Mayor Michael “Mike” Rama dahil sa pinsala sa lungsod Bagyong Agaton.

Ayon kay Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office Chairman Gerardo Carillo nagsagawa ng evacuation efforts sa iba’t ibang barangay sa lungsod partikular ang mga naninirahan malapit sa ilog.

Una nang iniutos ni Rama ang suspensyon ng klase at pasok sa gobyerno sa Cebu City ngayong araw, April 11.

Ayon sa CDRRMO, hanggang 11:30 ng umaga umabot sa 41 41 emergencies ang narespondehan ng kanilang mga tauhan matapos mag-landfall ang Bagyong Agaton.

Nakapagtala ng 16 na minor fire incidents dahil sa mga napinsalang poste ng kuryente.

May naitala ding mga insidente ng rockfall at landslide.

May mga nagtumbahang puno at may mga lugar na binaha. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *