Mahigit 2,300 na Pinoy bumoto sa unang araw ng Overseas Voting sa Singapore
Naging matagumpay ang pagsisimula ng Overseas Voting sa Singapore.
Ayon sa Philippine Embassy sa Singapore sa pormal na pagsisimula ng Overseas Voting, 2,370 na Pinoy ang nakaboto.
Sa layong hikayatin ang mga Filipino voters na bumoto, pinangunahan ni Deputy Chief of Mission and Consul General Adrian Bernie C. Candolada ang pagbot.
Mayroong 83,229 Filipino na rehistradong botante sa Singapore.
Ang mga tauhan ng embahada ang deputized ng at sinanay ng Commission on Elections (COMELEC) para pangasiwaan ang botohan gamit ang automated election system. (DDC)