BASAHIN: Number coding suspendido simula Martes Santo hanggang Biyernes Santo

BASAHIN: Number coding suspendido simula Martes Santo hanggang Biyernes Santo

Apat na araw na suspendido ang pag-iral ng number coding sa paggunita ng Holy Week.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Romando Artes, ang suspendido ng pagpapatupad ng Modified Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o ang number coding scheme sa sumusunod na mga araw:

Abril 12, Martes Santo
Abril 13, Miyerkules Santo
Abril 14, Huwebes Santo (Regular holiday)
Abril 15, Biyernes Santo (Regular holiday)

Automatic na lifted ang modified number coding scheme tuwing holidays.

Idinagdag naman sa suspensyon ang Martes Santo at Miyerkules Santo para mabigyang pagkakataon ang mga motorista na makabiyahe kung sila ay uuwi sa kani-kanilang mga lalawigan para sa paggunita ng Mahal na Araw. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *