Halos 3,000 stranded sa mga pantalan sa bansa dahil sa Bagyong Agaton
Mayroong 2,973 na mga pasahero, drivers at cargo helpers ang stranded ngayon sa mga pantalan sa bansa dahil sa epekto ng Bagyong Agaton.
Sa datos mula sa Philippine Coast Guard (PCG), 1,387 na mga rolling cargoes; 29 na babrko at 1 motorbanca ang hindi makapaglayag at stranded sa mga pantalan.
Mayroon ding 76 na barko at 4 na motorbancas ang pansamantalang nagkanlong sa ligtas na lugar sa Eastern Visayas, Bicol, North Eastern Mindanao, Central Visayas, at Western Visayas region at hindi muna tumuloy sa paglalayag.
Sa mga pantalan sa Eastern Visayas nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng mga stranded na indibidwal na umabot sa 1,109. (DDC)