Mahigit 14,000 pasahero naitalang bumiyahe sa mga pantalan

Mahigit 14,000 pasahero naitalang bumiyahe sa mga pantalan

Patuloy ang pagdagsa ng mga biyahero sa mga pantalan sa bansa.

Sa datos mula sa Philippine Coast Guard, nakapagtala ng mahigit 14,500 outbound at inbound passengers sa iba’t ibang pantalan sa bansa mula 12:00 ng hatinggabi hanggang 6:00 ng umaga ngayong Lunes, April 11.

Sa nasabing bilang, 7,949 ang outbound passengers at 6,563 naman ang inbound passengers.

Mayroong 2,174 na tauhan ng Coast Guard na naka-deploy sa mga pantalan sa bansa.

Umabot naman sa 94 na barko at 62 motorbancas ang naisailalim nila sa inspeksyon.

Magugunitang nagtaas ng ‘heightened alert’ ang Coast Guard sa lahat ng districts, stations, at sub-stations nito para masiguro ang kahandaan sa pagdagsa ng mga pasahero hanggang April 18, 2022. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *