Bagyong Agaton humina; isa na lamang tropical depression ayon sa PAGASA

Bagyong Agaton humina; isa na lamang tropical depression ayon sa PAGASA

Humina ang bagyong Agaton at mula sa Tropical Storm ay nasa Tropical Depression category na lamang ito.

Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA, ang sentro ng bagyo ay huling namataan sa coastal waters ng Tanauan, Leyte.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 75 kilometers bawat oras.

Mabagal ang kilos ng bagyo sa direksyong North northwest.

Nakataas ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:

– southern portion of Masbate (Dimasalang, Palanas, Cataingan, Pio V. Corpuz, Esperanza, Placer, Cawayan)
– Eastern Samar
– Samar
– Northern Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– northeastern portion of Cebu (Daanbantayan, San Remigio, Medellin, City of Bogo, Tabogon, Borbon, Sogod, Catmon, Carmen, Danao City, Compostela, Liloan) including Camotes Island
– eastern portion of Bohol (Getafe, Talibon, Bien Unido, Trinidad, Ubay, San Miguel, Pres. Carlos P. Garcia, Mabini)
– Surigao del Norte
– Dinagat Islands

Ngayong araw makararanas ng katamtaman hanggag sa malakas at kung minsan ay matinding buhos ng ulan sa Eastern Visayas, Masbate, Sorsogon, Catanduanes, at sa northern at central portions ng Cebu kabilang Bantayan at Camotes Islands.

Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Dinagat Islands, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Quezon, nalalabing bahagi ng Bicol Region at Visayas. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *