Isang milyong pilgrims papayagan sa Saudi Arabia ngayong taon

Isang milyong pilgrims papayagan sa Saudi Arabia ngayong taon

Papayagan ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang isang milyong pilgrims para lumahok sa hajj ngayong taon.

Malaking pagtaas ito kumpara sa datos sa nakalipas na dalawang taon kung saan nagpatupad ng COVID-19 pandemic restrictions.

Noong 2019 bago magkaroon ng pandemya, umabot sa 2.5 million ang dumalo sa hajj.

Pero noong 2020, 1,000 pilgrims lamang ang pinayagang makadalo. Itinaas ito sa 60,000 noong 2021 pero limitado lamang sa Saudi citizens.

Ayon sa hajj ministry ng Saudi, ngayong taon, isang milyong pilgrims ang papayagan at maaring lumahok maging ang mga dayuhan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *