Palm Sunday ginunita ng Simbahang Katolika; Hudyat ng pagsisimula ng Mahal na Araw
Ginunita ng Simbahang Katolika ngayong araw ang Palm Sunday o Linggo ng Palaspas.
Dumagsa ang mga katoliko sa mga simbahan sa bansa para dumalo sa misa.
Taliwas sa naging paggunita sa Palm Sunday noong nakaraang taon na karamihan sa mga katoliko ay virtual lamang ang naging paggunita ng Palm Sunday at nagsimba online dahil sa pagpapairal ng mahigpit na community quarantine.
Sa mga ibinahaging larawan sa Facebook page ng Quiapo Church, napuno maging ang labas ng simbahan.
Ayon sa Quiapo Church, ang Linggo ng Palaspas ay araw kung kailan ginugunita ang “matagumpay na pagpasok” ni Hesus sa Jerusalem.
Tinawag itong Linggo ng Palaspas dahil sa mga sanga at dahon ng palma na inilatag ng mga tao sa daraanan ni Hesus habang nakasakay sa isang asno papasok sa Jerusalem.
Ito ang hudyat ng pagsisimula ng mga Mahal na Araw. (DDC)