Red Warning nakataas sa Cebu, Leyte at Southern Leyte dahil sa bagyong Agaton
Nakararanas ng patuloy at malakas na buhos ng ulan sa ilang bahagi ng Visayas dahil sa Tropical Storm Agaton.
Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 11:00 ng umaga ngayong Linggo, Apr. 10, Red Warning na ang nakataas sa Leyte, Southern Leyte, Central Cebu at Northern Cebu.
Babala ng PAGASA maaring makaranas ng matinding pagbaha sa mga low-lying areas at landslides naman sa bulubunduking lugar.
Orang warning naman ang nakataas sa Eastern Samar, Samar, Biliran at Bohol.
Habang yellow warning sa Southern Cebu.
Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa mga susunod na abiso ng PAGASA hinggil sa pag-ulan na dulot ng bagyong Agaton. (DDC)