Mga pasahero nagsimula nang dumagsa sa mga pantalan
Nagsimula na ang pagdagsa ng mga biyahero sa mga pantalan sa bansa.
Sa datos mula sa Philippine Coast Guard, nakapagtala ng mahigit 10,000 outbound at inbound passengers sa iba’t ibang pantalan sa bansa mula 12:00 ng hatinggabi hanggang 6:00 ng umaga ngayong Linggo, April 10.
Sa nasabing bilang, 5,533 ang outbound passengers at 4,665 naman ang inbound passengers.
Mayroong 1,182 na tauhan ng Coast Guard na naka-deploy sa mga pantalan sa bansa.
Umabot din sa 99 na barko at 28 motorbancas ang naisailalim nila sa inspeksyon.
Magugunitang nagtaas ng ‘heightened alert’ ang Coast Guard sa lahat ng districts, stations, at sub-stations nito para masiguro ang kahandaan sa pagdagsa ng mga pasahero hanggang April 18, 2022. (DDC)