Mas marami pang lugar isinailalim sa Alert Level 1
Mas maraming lugar pa sa bansa ang isinailalim sa Alert Level 1 ng Inter Agency Task Force (IATF).
Sa kaniyang press briefing sinabi ni acting presidential spokesperson Martin Andanar na simula April 9 hanggang 15, sasailalim sa Alert Level 1 ang sumusunod na mga lugar:
– Mountain Province
– Southern Leyte
– Misamis Oriental
– Buguias, Benguet,
– Atimonan at Tiaong sa Quezon
– Santa Magdalena, Sorsogon
– Masbate City
– Batad at Zarraga, Iloilo
– Talisay City
– Javier (Bugho) at La Paz, Leyte
– Maslog, Easter Samar
– Paranas (Wright), Samar
– Linamon, Lanao del Norte
– Calamba, Misamis Occidental
– Padada, Davao del Sur
– Sibagat, Agusan del Sur
– Tubajon at Cagdianao, Dinagat Islands
Sa ilalim ng Alert Level 1 ay pinapayagan na ang intrazonal at interzonal travel. (DDC)