DOH hiniling sa FDA na payagan ang booster shot sa mga edad 12 hanggang 17 at 4th dose sa priority population

DOH hiniling sa FDA na payagan ang booster shot sa mga edad 12 hanggang 17 at 4th dose sa priority population

Hiniling na ng Department of Health (DOH) sa Food and Drug Administration (FDA) na payagang mabigyan ng booster shot ang mga edad 12 hanggang 17 at fourth dose para naman sa mga priority population.

Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, nagsumite ng request ang DOH sa FDA para maamyendahan ang Emergency Use Authorization (EUA) sa COVID-19 vaccines.

Sa sandaling maamyendahan ang EUA, ifo-forward pa ito sa Health Technology Assessment Council (HTAC) para sa evaluation.

At kapag nakumpleto na ang proseso, sinabi ni Vergeire na maari nang makapag-draft ng guidelines ang DOH ang para pagbibigay ng fourth dose sa priority population at booster shot sa mga menor de edad na 12 hanggang 17. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *