Oplan Metro Alalay Semana Santa 2022 ng MMDA activated na

Oplan Metro Alalay Semana Santa 2022 ng MMDA activated na

Simula ngayong araw, April 8 ay activated na ang “Oplan Metro Alalay Semana Santa 2022” (Oplan Mass) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ito ay bilang bilang paghahanda sa pagdami ng mga motorista at biyahero na magtutungo sa mga lalawigan para sa Semana Santa.

Sinabi ng MMDA na simula ngayong April 8 hanggang 18, kabuuang 2,681 personnel ang ide-deploy sa mga pangunahing lansangan, malalaking transportation hubs, at critical areas sa buong metro manila upang matiyak ang kaligtasan at maayos na daloy ng trapiko sa Mahal na Araw.

Inihayag ni MMDA chairperson Romando Artes na karamihan ng traffic personnel ay itatalaga sa mga kalsada na patungo sa provincial bus terminals, seaports, airports, at malalaking simbahan para sa masiguro ang mapayapa, maayos, at makabuluhang paggunita sa Semana Santa.

Inanunsyo rin ni Artes na suspendido ang number coding scheme sa National Capital Region simula Huwebes Santo, April 14 hanggang Biyernes Santo, April 15. (Infinite Radio Calbayog)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *