Halos 17,000 PNP personnel sumasailalim sa training para sa nalalapit na eleksyon
16,820 police personnel ang sumasailalim ngayon sa training para magpatupad ng intensive security measures sa nalalapit na May 9 national at local elections.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), ang mga sumasailalim sa pagsasanay ay kinabibilangan ng 1,208 police commissioned officers at 15,612 police non-commissioned officers.
Lahat sila ay sasailalim sa career courses at field training exercises bago i-deploy sa kanilang election duties.
Samantala, inihayag ng National Capital Region Police Office na isinailalim din nila sa training ang 2,584 na mga tauhan para sa kanilang election duties sa May 9.
Sa hiwalay na statement, sinabi ng NCRPO na alinsunod ito sa kanilang mandato na magpatupad ng mahigpit na mga hakbang sa pamamagitan ng “secure, accurate, fair, and free elections o S.A.F.E. 2022.” (Infinite Radio Calbayog)