Coast Guard units sa buong bansa isinailalim na sa heightened alert

Coast Guard units sa buong bansa isinailalim na sa heightened alert

Isinailalim na sa heightened alert simula ngayong araw April 8 hanggang sa April 18 ang lahat ng units ng Philippine Coast Guard (PCG) sa buong bansa.

Ito ay para masiguro ang kahandaan para sa Lenten Season kung saan inaasahan ang pagdagsa ng publiko sa mga pantalan.

Inatasan ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio M. Abu ang lahat ng Coast Guard units sa bansa na tiyakin ang seguridad at kaayusan sa lahat ng pantalan para sa mga sea passengers na bibiyahe pauwi sa mga lalawigan gayundin sa mga turista na bibisita sa mga recreational destinations simula ngayong weekend.

Ayon kay Abu, dapat present sa ground ang mga District Commander upang pangasiwaan ang pagpapatupad ng maximum security measures.

Ipinag-utos din ni Abu ang mas maigting na vessel inspection upang matiyak ang seaworthiness ng mga ito para sa kaligtasan ng lahat ng pasahero.

Payo ng Coast Guard sa mga bibiyaheng pasahero, dapat dumating sila sa pantalan tatlong oras bago ang kanilang biyahe para may sapat na panahon para sa safety and security protocols at pre-departure inspection. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *