MMDA nag-deploy ng mga bus para masakyan ng mga stranded na pasahero sa Commonwealth Avenue
Sinimulan na ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagde-deploy ng mga bus para masakyan ng mga pasahero sa bahagi ng Commonwealth-Litex Sa Quezon City.
Layunin nitong matugunan ang pagdagsa ng mga pasahero at kakulangan sa public utility buses sa lugar.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, anim na bus at dalawang military trucks ang ide-deploy ng MMDA kada araw mula 5am hanggang 8am.
Ang biyahe ay mula Commonwealth-Litex hanggang sa Welcome Rotunda.
Sinabi ni Artes na pansamantala lamang ang libreng sakay at nakatakdang makipagpulong ang MMDA sa mga concerned agencies para matugunan ang problema. (DDC)