Cargo plane ng DHL nag-emergency landing sa Costa Rica Airport; nahati sa dalawa
Itinigil ang operasyon ng Juan Santamaria International Airport sa Costa Rica makaraang mag-emergency landing ang isang cargo aircraft na pag-aari ng DHL.
Sumadsad sa runway ng paliparan ang Boeing 757-200 bago ito nahati sa dalawa.
Ayon sa mga otoridad ng paliparan, ligtas naman at mabilis na nakalikas ang piloto at co-pilot ng eroplano.
Dahil sa insidente, mananatiling sarado ngayong araw ang paliparan, at naapektuhan ang nasa 32 commercial flights.
Patungo sana ng Guatemala ang cargo plane nang makaranas ng problema sa hydraulic system nito.
Nagtutulungan na ang DHL at ang pamunuan ng airport para maialis sa runway ang eroplano. (DDC)