Bilang ng mga mag-aaral na nakapagparehistro na para sa susunod na school year mahigit isang milyon na

Bilang ng mga mag-aaral na nakapagparehistro na para sa susunod na school year mahigit isang milyon na

Mayroon nang mahigit isang milyong estudyante ang nakapagparehistro na para sa susunod na School Year 2022 2023.

Sa datos mula sa Department of Education (DepEd) umabot na sa kabuuang bilang na 1,150,890 ang nagpa-early register.

Sakop ng early registration ang mga incoming Kindergarten, Grades 1, 7, at 11.

Automatic naman nang registered ang mga incoming grades 2 hanggang 6 at grades 8 to 10 at grade 12.

Pinakamarami na ang nakapagpatala sa Region 4-A (163,394), na sinusundan ng NCR (132,181), at Region 11 (92,953).

Ginagawa ng DepEd ang early registration upang mapaghandaan ng maaga ang susunod na school year. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *