6.4 percent na unemployment rate naitala ng PSA; 3 milyong Pinoy walang trabaho
Nanatili sa 6.4 percent ang naitalang unemployment rate noong Pebrero 2022 na katumbas ng mahigit 3 milyong Pinoy na jobless.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), noong Enero 2022 ay 6.4 percent din ang naitalang unemployment rate,
Kung susumahin ayon sa PSA, mayroong 3.13 million unemployed individuals na mas mababa ng 1.06 million kumpara sa bilang ng mga unemployed noong February 2021.
Ayon kay PSA chief, National Statistician Claire Dennis Mapa, mayroon namang 45.48 million na emplyed Filipinos.
Mas mataas ito ng 2.33 million kumpara sa naitalang employed Filipinos na 43.15 million noong February 2021. (DDC)