Comelec pumayag na maituloy ng LTFRB ang pamamagahi ng fuel subsidy
Inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang hiling ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na maipagpatuloy ang pamamahagi ng fuel subsidies sa public utility vehicle drivers and operators.
Gayunman, sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na isasailalim sa mahigpit na implementasyon ang programa at kailangang isumite muli ang mga impormasyon kung paano ito ipinatutupad, paramaters ng implementasyon, lalo na ang eksaktong target beneficiaries.
Kabilang din sa pinagsusumite ng mga dokumento ang iba’t ibang ahensya na magpapatupad sa programa ng LTFRB, gaya ng Department of Agriculture at Department of Social Welfare and Development.
Inihayag din ni Garcia kailangang hintayin muna ng LTFRB ang ang resolusyon ng poll body para maka-comply sa mga kondisyon at maipagpatuloy ang distribusyon ng subsidya.
Pansamantalang itinigil ng LTFRB ang pamamahagi ng fuel subsidy noong March 25 bunsod ng Comelec ban sa cash disbursement ngayong panahon ng eleksyon. (Infinite Radio Calbayog)