P100M na halaga ng mga nakumpiskang smuggled agricultural products winasak sa Subic

P100M na halaga ng mga nakumpiskang smuggled agricultural products winasak sa Subic

Winasak ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Subic ang iba’t ibang mga agricultural products na nakumpiska ng ahensya.

Kabuuang 14×40 containers ng mga agricultural products gaya ng sibuyas, carrots, isda at iba pang seafood ang winasak.

Ang nasabing mga smuggled na produkto ay dumating sa bansa noong December 2020, at noong June hanggang December 2021.

Nakumpiska ang mga ito sa Port of Subic for dahil sa paglabag sa Department of Agriculture Administrative Orders and Circulars, Section 1400 (misdeclaration), concerning Section 1113 (f) ng Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Ayon sa BOC, kabuuang P101,134,900 ang halaga ng mga winasak na produkto.

Ang pagwasak sa mga nakukumpiskang agricultural products ay ginagawa sa pamamagitan ng rendering, shredding, dumping, at thermal decomposition sa accredited facility na Greenleaf 88 Non-hazardous Waste Disposal sa Pampanga. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *