Antigen testing bilang entry requirement sa bansa pinayagan na ng IATF

Antigen testing bilang entry requirement sa bansa pinayagan na ng IATF

Maari nang magamit ang antigen testing bilang entry requirement para sa mga biyahero na dumarating sa Pilipinas.

Ito ay makaraang aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), ang paggamit ng antigen test para mapayagang makapasok sa bansa.

Kailangan lamang ayon sa IATF na ang Rapid antigen tests ay administered o certified ng isang healthcare professional sa healthcare facility, laboratory, clinic, pharmacy, o iba pang kahalintulad na establisyimento mula sa country of origin ng biyahero.

Bago ito tanging RT-PCR testing lamang ang tinatanggal na entry requirement para sa mga dumarating sa bansa.

Ang antigen test ay ‘di hamak na mas mura kumpara sa RT PCR test. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *