Bagyo binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa

Bagyo binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa

Isang tropical depression ang binabantayan ng PAGASA na nasa labas pa ng bansa.

Ayon sa PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 2,435 kilometers east ng Mindanao.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 70 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.

Ayon sa PAGASA wala pang direktang epekto saanmang bahagi ng bansa ang nasabing bagyo.

Samantala, ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA ay huling namataan sa layong 130 kilometers East ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Nakapaloob ito sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakaaapekto sa Visayas at Mindanao.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong Huwebes (Apr. 7), makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Visayas, Mindanao, MIMAROPA, Bicol Region, at Quezon dahil sa LPA at ITCZ.

Maulap na papawirin na may pag-ulan din ang mararanasan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Ifugao, Mountain Province, at Aurora dahil sa Northeasterly Surface.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon, localized thunderstorms lamang ang iiral. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *