House-to-house vaccination iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte
Dahil mayroong 27 million doses ng COVID-19 vaccine ang nakatakda nang ma-expire sa buwan ng Hulyo mas pinamamadali pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabakuna.
Sa kaniyang lingguhang Talk to the People, sinabi ng pangulo na dapat gawing house-to-house ang anti-COVID-19 program.
Dapat aniyang mismong ang mga healthworker na ang magtungo sa mga bahay lalo na sa mga liblib na lugar kung saan ang mga residente ay hindi makapunta sa mga vaccination site.
Umapela naman ang pangulo sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na huwag sasaktan ang mga healthcare worker na magsasagawa ng house-to-house sa malalayong lugar. (DDC)