Heightened alert ipatutupad ng LTFRB simula Apr. 8 bilang paghahanda sa Semana Santa

Heightened alert ipatutupad ng LTFRB simula Apr. 8 bilang paghahanda sa Semana Santa

Ipatutupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang heightened alert simula April 8 hanggang 18, 2022 bilang suporta sa Oplan Biyaheng Ayos: Summer Vacation 2022 ng Department of Transportation – Philippines (DOTr).

Batay sa direktiba ni DOTr Secretary Art Tugade, inatasan ni LTFRB Chairman Martin B. Delgra III ang lahat ng pinuno ng ahensya na makipagtulungan sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno upang matiyak ang kaligtasan at seguridad sa lahat ng mga mananakay.

Pinatitiyak din ni Delgra ang pagsunod ng mga Bus Terminals sa mga alituntunin ng LTFRB, kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero dahil sa Semana Santa.

Para sa mga bibiyahe pauwi ng mga probinsya, narito ang mga terminal ng bus sa Metro Manila:

1. PITX (1 Kennedy Road, Tambo, ParaƱaque City)
2. SRIT (SM City Sta. Rosa, Sta. Rosa, Laguna)
3. NLET (Philippine Arena Compound, Bocaue, Bulacan)
4. ARANETA CENTER TERMINAL (Times Square Ave, Cubao, Quezon City)

Magsasagawa ang LTFRB ng random na inspeksyon sa mga bus bilang bahagi ng pagtiyak sa road worthiness ng mga sasakyan at kaligtasan ng mga pasahero.

Maglalagay din ng mga Malasakit Help Desk na maaaring pagtanungan o pagsumbungan ng mga mananakay. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *