Vaccine Wastage Rate sa bansa 1.54 percent lang ayon sa DOH

Vaccine Wastage Rate sa bansa 1.54 percent lang ayon sa DOH

Umabot na sa mahigit 3.7 million doses ng bakuna ang nasayang.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, 1.54 percent lang ito ng kabuuang bilang ng mga bakunang dumating na sa bansa.

Higit aniyang malayo ang nasabing bilang sa 10% indicative wastage rate na itinakda ng World Health Organization (WHO).

Kabilang sa dahilan ng pagkasayang ng bakuna ay ang kaunting bilang ng mga dumating sa vaccination sites, lumagpas na sa shelf life ng bakuna, may presensya ng particles sa vials at ang iba naman ay nasira dahil sa natiral reasons gaya ng sunog o bagyo.

Sinabi rin ni Duque na ang mayorya ng 27 million COVID-19 vaccine doses na nakatakdang ma-expire na sa July ay pawang donasyon mula sa COVAX facility o kaya naman ay binili ng pribadong sektor. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *