PANOORIN: Ikalawang 97-meter multi-role response vessel ng Coast Guard sumalang na sa sea trial sa Japan
Sumalang na sa unang “sea trial” ang ikalawang 97-meter multi-role response vessel (MRRV) ng Philippine Coast Guard (PCG).
Sa pangunguna ng Mitsubishi Shipbuilding Co. Ltd., naging ligtas at matagumpay ang isinagawang sea trial na layong suriin ang kahandaan ng naturang barko bago tuluyang lumayag pauwi ng Pilipinas sa susunod na buwan.
Tulad ng MRRV-9701, ang MRRV-9702 ay mayroon maximum speed na hindi bababa sa 24 knots; endurance na di bababa sa 4,000 nautical miles; at kakayanang magsagawa ng pang-matagalang pagpapatrolya sa West Philippine Sea, Philippine Rise, at iba pang bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas..
Noong ika-26 ng Pebrero 2022, ligtas na nakarating sa bansa ang MRRV-9701 na kikilalanin bilang BRP TERESA MAGBANUA sa oras na ma-komisyon sa serbisyo.
Sa suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte at Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade, binili ang dalawang 97-meter MRRV mula Japan para lalong palakasin ang kakayahan ng PCG sa ilalim ng Maritime Safety Capability Improvement Project Phase II (MSCIP Phase 2) ng DOTr. (DDC)