200,000 na katao target mabakunahan sa Special vaccination days sa BARMM

200,000 na katao target mabakunahan sa  Special vaccination days sa BARMM

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 200,000 na katao sa idaraos na Special vaccination days sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Mayo.

Ayon kay NTF Against Covid 19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez, paiigtingin ang pagbabakuna sa BARMM at hihingi ng tulong sa Armed Forces of the Philippines, Department of National Defense, at Department of the Interior and Local Government para sa transportation at mobilization ng mga vaccination teams sa BARMM.

Aminado si Galvez na malaki-laki pa ang bubunuin sa pagbabakuna sa BARMM.

Sa ngayon kasi ayon kay Galvez 957,766 pa lang ang fully vaccinated sa rehiyon o nasa 25% pa lamang ng target population.

Ayon naman kay Health Usec. Myrna Cabotaje ang mga dahilan sa mababang vaccine coverage sa BARMM ay ang paglalakalat ng fake news kaugnay sa bakuna, cultural beliefs, at inaccessibility sa ilang vaccination sites. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *