Visayas, Mindanao at Palawan uulanin ngayong araw dahil sa LPA

Visayas, Mindanao at Palawan uulanin ngayong araw dahil sa LPA

Malaking bahagi pa rin ng bansa ang makararanas ng pag-ulan ngayong araw dahil sa Low Pressure Area (LPA).

Ayon sa PAGASA, ang LPA ay huling namataan sa layong 15 kilometers northeast ng Davao City o sa bisinidad ng Laak, Davao de Oro.

Ayon sa PAGASA, makararanas ng kalat-kalat hanggang sa malawakang pag-ulan sa Palawan at Mindanao dahil sa LPA.

LPA din ang magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan sa Visayas.

Maulap na papawirin din na may pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Central Luzon at Quezon dahil sa Northeasterly Windflow.

Habang sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated na pag-ulan ang iiral dahil din sa Northeasterly Windflow. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *