66.2 million na katao fully-vaccinated na kontra COVID-19
Umabot na sa mahigit 66.2 million ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.
Ayon sa datos mula sa Department of Health (DOH), 71.4 million na katao na ang nabakunahan na ng first dose.
66.2 million sa kanila ang fully-vaccinated kontra COVID-19.
Pero ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, hanggang kahapon, April 4 ay mahigit 12.2 million pa lamang ang nakatanggap ng booster .
Apela ni Vergeire sa mahigit 46.9 million pang eligible na mamamayan na magpaturok na ng booster doses ng COVID-19.
Ani Vergeire, sa mga bansa na may mataas na rates ng booster vaccination ay mas mababa ang bilang ng COVID-19 deaths sa kabila ng pagkakaroon muli ng surge ng sakit. (DDC)