Mga tauhan ng Coast Guard sa Central Visayas isinailalim sa water search and rescue

Mga tauhan ng Coast Guard sa Central Visayas isinailalim sa water search and rescue

Isinailalim sa water search and rescue (WASAR) ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard District Central Visayas (CGDCV.

Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na Semana Santa kung saan inaasahan ang pagdagsa ng mga turista sa beach resorts.

Ayon kay CGDCV Commander, CG Commodore Inocencio Rosario Jr, regular ang pagsasagawa ng naturang pagsasanay para masigurong handa ang bawat PCG personnel sa pagbibigay ng kinakailangang serbisyo ng mga turista.

Maliban sa basic life saving techniques, ni-review din ang mga dapat gawin tuwing may aksidente sa tubig o kalamidad tulad ng pagbaha. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *