DOH nakikipag-ugnayan sa WHO kaugnay sa naitalang “Omicron XE” variant sa Thailand

DOH nakikipag-ugnayan sa WHO kaugnay sa naitalang “Omicron XE” variant sa Thailand

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa World Health Organization (WHO) kaskunod ng napaulat na unang kaso ng COVID-19 “Omicron XE” variant sa Thailand.

Ayon sa DOH, patuloy ang monitoring at obserbasyon para matukoy kung ang “Omicron XE” ba ay sub-variant ng Omicron o bagong variant ng COVID-19.

Nakipag-ugnayan na din ang DOH sa Philippine Genome Center para matiyak na namo-monitor ang mga kasong naitatala sa bansa at nakapagsasagawa ng genomic surveillance activities.

Una nang sinabi ng WHO na ang XE ay pinagsamang mutant ng BA.1 at BA.2 sub-variants ng Omicron.

Patuloy naman ang paalala ng DOH sa publiko na magpabakuna na kontra COVID-19. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *