Undocumented good lumber na P400K ang halaga, nakumpiska sa Northern Samar
Naharang ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Coast Guard at Philippine National Police isang wing van truck na naglalaman ng 7,200 piraso ng undocumented good lumber sa Balwharteco Port, Allen, Northern Samar.
Ayon sa Coast Guard, aabpt sa P432,000 ang halaga ng nasabing mga good lumber.
Inaresto sa nasabing operasyon ang 33-anyos na driver ng truck na si Emmanuel Acoba ng Butuan City, at kanyang mga kasamahan na sina Christian Rueles (25, Bukidnon) at Jeremias Turco (48, Northern Samar).
Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alamang isang residente ng Northern Samar na si Zetha Eleazar ang may-ari ng naturang kargamento.
Dinala sa Allen Municipal Police Station ang mga inarestong indibidwal para sa karagdagang imbestigasyon kaugnay ng kanilang paglabag sa Section 77 ng Presidential Decree No. 705 o Revised Forestry Code of the Philippines. (DDC)