MMDA nagsagawa ng clearing operations sa Parañaque City
Sa kabila ng hindi magandang panahon ay nagsagawa ng clearing operations ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Parañaque City.
Kabilang sa sinuyod ng mga tauhan ng MMDA ang kahabaan ng Roxas Blvd. hanggang sa Baclaran Church Hinatak ng MMDA ang mga sasakyang ilegal na nakaparada at pinaalis ang mga sidewalk vendor.
Pinagbawalan din maging ang mga trapal sa mga stalls na lumagpas sa itinakdang puwesto.
Pinangasiwaan ni MMDA General manager Frisco San Juan ang clearing operations.
Ani San Juan, noon kasing kasagsagan ng pandemya ay napabayaan ang obstruction sa ilang mga kalsada.
Tiniyak ng opisyal na regular nang magsasagawa ng clearing operationg ang MMDA para maibsan ang pagsisikip sa daloy ng traffic. (DDC)