“Oplan Harabas” sinimulan na ng PDEA, IACT at LTO; 77 bus drivers sa PITX at Araneta Center isinailalim sa drug test
Sinimulan ngayong araw (Apr. 5) ng mga otoridad ang “Oplan Harabas” o pagsasagawa ng random inspection sa mga terminal at pagsasagawa ng random drug test para sa mga PUB drivers.
Ang “Oplan Harabas” ay pinangangasiwaan ng
Inter-Agency Council for Traffic (IACT), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Land Transportation Office (LTO).
Ang “Oplan Harabas” ay ipinatutupad sa buong bansa.
Layunin nitong matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at drivers sa pagsapit ng Semana Santa sa pamamagitan ng pagpapanatili na drunk and drugged free ang buses at terminals.
Sa ikinasang “Oplan Harabas sa Araneta Bus Center at PITX, umabot sa 77 bus drivers ang naisailalim sa drug test at lahat naman sila ay nag-negatibo.
Namahagi din ang mga otoridad ng IEC materials kaugnay sa Anti-Drunk and Drugged Act of 2013 (RA 10586).
Bahagi din ng “Oplan Harabas” ang pagsiyasat sa mga components ng bus, at maging mga pasilidad ng mga terminal tulad ng palikuran at passenger waiting areas. (DDC)